top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

This time, tiyak aprub sa fans… SIKAT NA LOVE TEAM, NAGPA-SECRET MARRIAGE NA KAYA PAGLI-LIVE-IN, OKS

  • Melba Llanera
  • Jan 16, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

KAYA pala hindi na isyu sa mga tao sa paligid nila ang balitang pagli-live-in ng isang kilalang love team ay dahil matagal na diumanong nagpa-secret marriage ang dalawa.

Isang reliable source ang nagsabi sa amin na kaya ‘di tumutol ang pamilya ng aktres sa nabalitang pagsasama nila ng aktor sa isang bubong kahit wala pang basbas ng kasal ay dahil naikasal na nga ang magka-love team.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit sa ngayon ay mukhang kampanteng-kampante na si aktres sa aktor, dahil bukod sa mukhang hulog na hulog na ang loob sa kanya ng ka-love team ay dala-dala na pala niya ang apelyido nito at nakatali na ito sa kanya.

Wala naman kaming nakikitang masama kung kasal na nga talaga ang naturang love team. Bukod sa parehong nasa legal na edad na sila, tanggap ng kani-kanilang pamilya ang bawat isa at tiyak na magbubunyi nang husto ang masusugid nilang tagahanga na talaga namang ang hiling ay magkatuluyan ang dalawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page