Super-daming bantay, 'di malapitan… PIA, PINALITAN NA NI CATRIONA BILANG MISS U, FEELING-REYNA P
- BULGAR

- Jan 16, 2019
- 1 min read

HINDI na kami nagtataka kung bakit sinapawan ni Megastar Sharon Cuneta ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa opening ng PBA noong Linggo.
Mas tinilian at pinagkaguluhan si Sharon na muse ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok kumpara kay Pia na muse naman ng Ginebra Team.
Bantay-sarado at grabe kasi ang pagbabakod kay Pia ganu’ng tapos naman na ang term niya bilang Miss Universe. Si Catriona Gray na ngayon ang may hawak ng korona at trono bilang pinakabagong Miss Universe.
Samantalang si Megastar, mahigit tatlong dekada nang namamayani sa puso ng kanyang mga tagahanga at supporters, mainit pa rin ang career ngayong muling aktibo sa pelikula at telebisyon.
Marami lang ang labis na nagtataka kung bakit sobrang higpit ng pagbabantay kay Queen P gayung hindi na siya ang reigning Miss Universe. Eh, bakit daw noong si Ms. Gloria Diaz na 1st Miss Universe na Pinay, napakasimple at humble at abot-kamay lang ng masa kahit beauty queen na?
At si Ms. Gemma Cruz-Araneta na nanalong Miss International, super-bait, humble at open sa lahat ng gustong magpa-picture sa kanya, kaya mas hinangaan siya ng lahat.
A few years from now, may ningning pa kaya si Pia Wurtzbach at may magpapa-picture pa kaya sa kanya?
‘Di ba, dapat nga ay mas maging malapit siya sa masa ngayong nagso-showbiz na rin siya? No wonder na naikukumpara siya ngayon kay Catriona Gray na bukod sa napakabait, humble, simple at friendly ay jologs na jologs at masang-masa pa.





Comments