Kinuyog dahil sa pagbabanta sa ex-manager… SIGAW NI KRIS SA MGA PINOY:’WAG KAYONG MAKISAWSAW!

ANG maraming trolls na nagsulputan sa Instagram (IG) account ni Kris Aquino pala ang tinutukoy nito sa hashtag niyang #dontbeasawsawero” at “#dontmakesawsaw” dahil biglang dumami ang nagko-comment sa feed ni Kris tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya.
‘Pag tsinek naman ang account, zero post at zero followers ang nakalagay.
Alam na ni Kris at ng kampo nito kung sino ang nasa likod ng pagsugod ng trolls sa IG feed niya, kaya nasabi niyang, “Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge... I’ll own na kasalanan ko ‘to. Unforgivable for me? their timing- now that I am physically weak. Oh well, bilog ang mundo.”
Hindi maiwasang mahaluan ng pulitika ang isyu ni Kris, lalo na’t may mga naniniwalang papasok sa pulitika at tatakbo si Kris sa 2022 elections. Ayaw nilang maniwala sa sinabi ni Kris na wala siyang ambisyong pumasok sa pulitika kahit may ipinost na siya tungkol dito.
“PLEASE save this post and use it against me if I seek political office as proof: walang isang salita si Kris.”
Ang ikinatutuwa lang ni Kris, marami pa rin ang sumusuporta at naniniwala sa kanya, kaya paulit-ulit siyang nagpapasalamat.
As of yesterday, nasa Singapore pa siya at alam nitong pagbalik niya, mas iingay ang bagong isyung pagkalat ng audio recording na pinagbantaan niya si Nicko Falcis, na sinabi naman niyang, “You and I know that was a bluff.”





Comments