top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Habang naka-wig at makeup, nanopla tuloy… VICE, TINAWAG NA 'SIR' NG FLIGHT ATTENDANT, NAINS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAKAKATUWA naman ang ikinuwento ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa segment na Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime dahil kahit na fully madeup na siya at nakasuot ng mahabang blonde na wig ay tinawag pa rin daw siyang “Sir” ng isang flight attendant kaya nainsulto siya.

“‘Pag bumibiyahe ho ako, hindi ito ang buhok ko, blonde na mahaba.

Siyempre kasi papansin ako sa foreigner, ‘di ba? Blonde na mahaba, tapos kapal ng makeup ko, naka-lipstick ako, ang iksi ng damit ko, tapos tinawag akong ‘Sir’,” kuwento ni Vice.

Sinagot daw niya ito ng, “Sige, sabihin mo sa akin, ano’ng bahagi ng katawan ko ang mukhang lalaki para mabago ko?”

Dahil daw dito ay agad na humingi ng paumanhin ang flight attendant na tumawag sa kanya ng “Sir”.

Pero matapos makababa ng eroplano, may nakakatuwang pangyayari raw ulit siyang naranasan dahil matapos tawaging “Sir” nu’ng una ay inalok naman daw siya ng isang flight attendant ng wheelchair.

“‘Vice! Vice!’ Sabi ko, ‘Hi! Wheelchair?’ Pinapahiram ako ng wheelchair? So, ano ako, senior citizen?” ang nakakatawang hirit ni Vice.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page