Ajinomoto Scholarship Program, tumatanggap na ng aplikante!

HELLO, Bulgarians! Sabi nga, ang edukasyon ang pinakamahalagang maipamamana ng ating mga magulang ngunit, alam n’yo bang puwede rin itong maipamana sa atin ng Ajinomoto, paano?
Taun-taon, ang Ajinomoto Philippines Corporation (APC) ay naghahanap ng aspiring student para ipadala sa Japan at doon mag-aral. Sa programa nilang Ajinomoto Scholarship Foundation, 6 na estudyante mula sa anim na bansa (Thailand, Indonesia, Malaysia, Philippines, Vietnam at Russia) ang binibigyan nila ng opportunity na makapag-aral sa field ng Science and Technology.
Ang bawat scholar ay may chance pumili kung saan silang school mag-aaral, nandiyan ang University of Tokyo, Kyoto University, Nagoya University, Ochanomizu University, Waseda University at Kagawa Nutrition University. Dalawa sa eskuwelahang ito (Tokyo University at Kyoto University) ang Japan’s top university. Sa katunayan, ito ay nakasama at ika-42 World University Ranking 2019 list ng Times Higher Education.
Sa nagdaang taon, mayroon ng 9 na estudyanteng Pilipino ang naipadala sa Japan at nakapag-aral ng libre sa tulong ng APC. Kabilang na rito si Anna Legaspi, taga-University of the Philippines Los Baños alumna na nakapagtapos ng Cum Laude sa course na Bachelor of Science in Chemistry.
Gusto n’yo rin bang maging kabilang at mabigyan ng chance na makapag-aral sa Japan sa tulong ng APC? Bisitahin lamang ang kanilang website sa www.ajinomoto.com.ph/whats-new/ para sa iba pang detalye. Ang deadline ng pagpasa ng mga applicant ay sa March 1, 2019. Maaari ring tumawag o mag-email kay Ms. Joyce Mendoza sa (632) 895-6081 loc. 8107 at joycelyn_ mendoza@ajinomoto.com
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments