300-k guro | DAGDAG-SUWELDO, BAWAS ESTUDYANTE
HALOS 300,000 guro ang nagsagawa ng strike para humiling ng dagdag-sahod at bawasan ang bilang ng estudyante sa Los Angeles, California.
Naantala ang klase sa 900 campuses at naapektuhan ang 640,000 mag-aaral sa Los Angeles Country School District dahil sa strike.
Sabay-sabay umanong naglabasan ang mga guro bitbit ang mga placard habang isinisigaw ang kanilang hinaing.
Napag-alaman na ang mga gurong nagprotesta ay pawang kasapi ng United Teachers Los Angeles o UTLA.
Nais ng mga ito na bigyan sila ng 6.5 porsiyentong dagdag na suweldo at magdagdag ng mga counselor, nurse at librarian sa mga paaralan.





Comments