2 rebelde sumuko sa ARMY
SULTAN KUDARAT—Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko, kamakalawa sa tropa ng Philippine Army (PA) na nakabase sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad, kinilala lang ng mga awtoridad ang dalawang sumukong NPA sa mga alyas na Ka Glenn at Ka Jongge, kapwa rebelde na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon kina “Ka Glenn” at “Ka Jongge”, nais na umano nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa taktikal na intergasyon ang dalawang NPA upang matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments