Wanted na rapist nasakote
Pabs Hernandez III
Jan 15, 2019
1 min read
NEGROS OCCIDENTAL—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa hideout nito sa Bgy. Cabacucan, Moises Padilla sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Charlemagne Caballes, residente ng Bgy. Poblacion, Vallehermoso, Negros Oriental.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si Caballes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Hindi nanlaban si Caballes nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments