MOST MVP AWARD NI FERNANDEZ, NAHIGITAN NA NI FAJARDO
- BULGAR

- Jan 15, 2019
- 1 min read

UNA nang hinulaan ni basketball legend at Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez na bago matapos ang season-ending Governor’s Cup na napanalunan ng Magnolia Hotshots makukuha ni June Mar Fajardo ang pang- limang MVP at hindi nagkamali ang superstar of yesteryears na tinaguriang “El Presidente” at muli ngang nasungkit ng higanteng Cebuano ang coveted honor.
“I told you he will get his fifth MVP and he got it with flying colors,” sabi ni Fernandez sa panayam sa kanyang opisina matapos ang board meeting na pinangasiwaan ni Chairman William Ramirez kasama sina Commissioners Dr. Celia Kiram, Arnold Agustin at Charles Raymond Maxey.
“Malaki ang tiwala ko na makukuha niya at hihigitan ang four MVP awards ko at hindi ako nagkamali,” wika ng 66-anyos na basketball legend na taga Maasin, Leyte na naglaro sa Cebu.
Iginawad kay Fajardo ang pang-5 MVP bago simulan ang 2019 PBA season ng Philippine Cup kung saan naglaro sa San Miguel Beer si Fernandez matapos ma-disband ang Toyota team na unang team na pinaglaruan niya kasama sina Robert Jaworski at Francis Arnaiz na tinaguriang “deadly triumvirate” at mortal na karibal nina Philip Cezar, Atoy Co at Bernard Fabiosa ng Crispa na hawak ni legendary coach Virgilio “Baby” Dalupan.
Ayon sa kanya ang angking galing ni Fajardo sa basketball ay bihirang makita sa mga manlalaro na kasing laki niya gaya nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter na mga Cebuano rin na may mga dugong banyaga. “May natatanging galing si Fajardo at may sapat na height which is very important in basketball. His height indeed a big factor na nagdala sa kanya sa tugatog nang tagumpay,” sabi ni Fernandez. (Clyde Mariano)





Comments