Minahan gumuho, 21 nalibing nang buhay
PATAY ang 21 minero matapos gumuho ang bubong ng isang coal mine sa Northern China noong Sabado ng gabi.
Inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng pag-collapse ng minahan sa Shaanxi Province.
Ayon sa awtoridad, karaniwan na lamang ang mining accidents sa bansa sa kabila ng mga hakbang para mapaganda ang safety measures.
Gayunman, ayon sa huling tala ng National Coal Mine Safety Administration ng China, 375 death toll noong 2017 ang naitala habang bumaba ng 28 porsiyento noong 2018.





Comments