top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lalo na sa mga hindi na nakapagpapahinga riyan, read n’yo ‘to, dali! 7 TIPS PARA LESS HASSLE SA TRAB

Hiraya
Jan 15, 2019
2 min read

STRESSED ka na ba sa work mo dahil kaliwa’t kanan ang dapat mong gawin, beshy?

No need to worry dahil narito ang iba’t ibang paraan upang matanggal ang inyong stress habang nasa trabaho:

1.WORK ONE AT A TIME. Minsan, beshy, kaya tayo nai-stress sa trabaho ay dahil pinipilit nating gumawa ng iba’t ibang gawain dahil nagmamadali tayo. Kaya ang una nating maipapayo, besh, work on one thing at a time nang sa gayun ay sa isang bagay ka lang nakapokus at wala kang ibang iniintindi. ‘Ika nga nila, slowly but surely. Okie?

2.PRAISE YOURSELF. Sa tuwing matatapos mo ang iyong ‘major task’ sa bawat araw, hindi masamang sabihin mo sa iyong sarili na “good job!”. Sa ganitong paraan, madaragdagan ang iyong motibasyon para pagbutihan pa lalo ang iyong pagtatrabaho.

3.HAVE A WORK JOURNAL. Ayon sa mga eksperto, ang pagsusulat ay isa sa mga paraan nang pagbabawas ng stress. Kaya lodi, siguraduhin mo na mayroon kang work journal kung saan puwede mong isulat ang iyong thoughts o hinaing tungkol sa kahit na ano. He-he-he!

4.TAKE SMALL BREAKS. Oks lang naman na tutukan mo ang iyong trabaho, pero besh, siguraduhin mo na makapaglalaan ka ng lima hanggang sampung minutong pahinga mula sa pagtatrabaho. Sa ganitong paraan, mare-refresh ang iyong utak at tiyak na gaganahan kang bumalik sa trabaho dahil nakahinga ka kahit sandali.

5.LISTEN TO MUSIC. Ayon sa pag-aaral, ang pakikinig sa musika kapag stressed ang indibidwal ay nakatutulong sa pagpapaganda ng mood. Kaya ano pa ang hinihintay mo, beshy? Kunin mo na ang iyong earphones at makinig ka sa iyong paboritong musika o podcasts. Copy?

6.BREATHE DEEPLY. Inhale, exhale… Gawin mo ito sa loob ng tatlo hanggang limang minuto hanggang sa tuluyang mawala ang pagkabahala mo sa iyong isipan. Sa ganitong paraan, pansamantalang mawawala sa isipan mo ang mga bagay na nagdudulot ng stress sa iyo.

7.HAVE SOME SWEETS. Legit ito, lodi! Kilala ang matatamis na pagkain, partikular na ang tsokolate na epektibong pampaganda ng mood. Kaya make sure na mayroon kayong matatamis na pagkain sa inyong drawer, para in case na bigla kayong ma-stress ay may dudukutin kayo. Siguraduhin n’yo lang na safe ito mula sa mga ‘mababait’. He-he-he!

Kaya palaging tandaan na hindi masamang magrelaks paminsan-minsan lalo na kung subsob na tayo sa trabaho. Oh mga lodi, make sure na gagawin ninyo ang mga paraang ito upang hindi kayo ma-stress sa buong araw ninyo sa trabaho. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page