top of page

Kaya make sure na bumili kayo nito, mga lodi! 7 benefits ng pagkain ng suha, alamin!

  • No Problem
  • Jan 15, 2019
  • 2 min read

NO PROBLEM

POMELO one, pomelomelo one, just kidding! Isa ang pomelo o suha sa binibili ng karamihan dahil masarap ito, pero dehins naman natin knows kung ano ang benepisyong naidudulot nito sa ating kalusugan. Kaya para magkaroon tayo ng kaalaman kung ano ang health benefits ng suha, alamin natin ang mga ito:

1. WILL IMPROVE DIGESTIVE HEALTH. Ang suha ay mayroong fiber na nakape-prevent ng constipation at mas napadadali nito ang ating vowel movement. Samantala, ang fiber na kailangan ng kalalakihan ay 38 grams habang ang kababaihan ay 26 grams naman.

2. CAN HELP MAINTAIN A HEALTHY BLOOD PRESSURE. Dahil mayroon itong potassium at mababa sa sodium ang suha, nakatutulong ito upang ma-relax ang ating blood vessels kung saan namamantina nito ang magandang daloy ng ating dugo.

3. CAN HELP INDIVIDUALS FIGHT INFECTIONS. Ang suha ay mayroong 371 porsiyento ng Vitamin C na naka-e-eliminate ng mga bakterya na maaari nating makuha sa iba’t ibang mga bagay na ating hinahawakan o ginagamit.

4. CAN HELP SLOW DOWN AGING. Kung worried kayo sa inyong edad, don’t worry dahil maaaring hindi ito mahalata kung uugaliin ninyong kumain ng suha dahil ayon sa mga dalubhasa, ito umano ay nakai-improve ng immune system na nakatutulong upang mas maalagaan natin ang ating buhok at balat. Dagdag pa rito, ang suha ay nagkokontamina ng spermidine o kemikal na natatagpuan sa human sperm na mayroong anti-aging properties.

5. CAN HELP IMPROVE THE HEART’S HEALTH. Dahil sa Vitamins C at B6, fiber at potassium, nakatutulong ang pagkain ng suha upang maging malusog ang ating puso lalo na ngayong karamihan sa mga namamatay ay dahil sa heart attack.

6. CAN HELP WITH BLOOD FORMATION. Ang copper at iron ay mga essential para sa bagong blood cell formation at kapag ang tao ay kulang sa mga ito, maaari itong magresulta sa pagkakaroon ng anemia at fatigue.

7. CAN HELP YOU SLEEP BETTER AT NIGHT. Tiyak na matutuwa ang mga may insomnia riyan dahil ang suha umano ay nakatutulong upang ma-improve ang quality, duration at tranquility ng ating tulog. Kaya for sure, dehins na tayong mamumroblema kapag nahihirapan tayo makatulog sa gabi.

Oh, ayan mga sis at bro, bumili na kayo ng suha. Piliin n’yo ‘yung matamis at hindi ‘yung maasim na nakakikilig! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page