top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit masyuba at masyonda na, mas tinilian… SHARON, SINAPAWAN SI PIA SA PBA OPENING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IBANG level pa rin talaga ang ganda ni Megastar Sharon Cuneta dahil kahit malapit na itong maging senior citizen at kahit sa edad niyang 53 ay pang-muse pa rin ang beauty nito.

Sa opening ng 44th season ng Philippine Basketball Association (PBA) noong Linggo (January 13), si Megastar ang napiling muse ng basketball team na Magnolia na kanya ring ini-endorse. At kapansin-pansin daw talaga ang pag-standout ni Megastar sa nasabing event.

Bali-balita ring tinalbugan at sinapawan ni Megastar ang naggagandahan at nagseseksihang muse ng ibang basketball teams. Isa na raw sa mga sinapawan niya ay ang kaseksihan at ganda ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na muse ng Ginebra.

Malakas daw ang naging hiyawan ng mga tao nang lumabas si Miss Universe 2015, ngunit mas dumagundong at niyanig daw ng sigawan ang Philippine Arena noong lumabas si Sharon Cuneta.

Crowd’s favorite rin daw si Sharon dahil pinagbibigyan niya ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya, na ultimo ang PBA commissioners at may-ari ng ibang teams ay gusto ring maka-selfie ang Megastar.

Samantala, ‘di naman napagbigyan ni Pia ang gustong magpa-picture sa kanya dahil bantay-sarado ito at may humaharang ‘pag may gustong makasama sa litrato ang Miss Universe 2015.

Kabilang din sa mga muse sina Kelley Day ng GMA-7, Halik star Yam Concepcion (ng Phoenix Pulse Fuel Masters), Bb. Pilipinas Grand International Eva Patalinjug (ng Meralco Bolts), Allysa Valdez (ng NLEX Road Warriors), Sam Pinto (ng TNT Katropa), at Miss International 2016 Kylie Versoza (ng San Miguel Beermen).

Sa isang interview, ipinahayag ni Megastar na masayang-masaya siya sa muling pagrampa at pagiging muse sa PBA opening makalipas ang tatlong dekada.

Aniya, “I am honored. I am happy. I am proud of Magnolia and to be part of the family of Purefoods and Magnolia. Lahat naman ng teams, masarap maging parte ng ganitong liga kasi it promotes sportsmanship, camaraderie. So you root for the team that you love but you also appreciate the efforts of everyone.”

Pagpapatuloy ni Mega, “Sayang, wala si Captain Alvin (Patrimonio) kasi the last time I was a muse was for Purefoods and it was the team of Alvin. Nu’ng ‘90s pa, I think 30 years ago. It’s really an honor. Sayang, wala si Captain dito.”

Hindi rin talaga mawawala ang mga bashers na kontra sa pagiging muse ni Megastar sa PBA opening na nagsabing dapat ay mas bata at sexy ang pambato ng team.

Para kay Sharon, “They don’t mean anything to me because I am the one that’s here. I was chosen by Magnolia. I did not volunteer. I am their major endorser so I think it’s understandable.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page