top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ENERO 15, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 15, 2019 (Martes): Para sa maganda ang maganda. Maganda ka, kaya para ka sa maganda, huwag mo itong kalilimutan at ito ang gawin mong batayan sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng yumaman kung isa lang ang iyong tututukan kahit napakarami mong gustong gawin sa buhay. Ito mismo ang sikreto ng iyong tagumpay at kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-14-21-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo ang nagbibigay sa iyo ng biyaya, tao man ito o anumang bagay. Kaya mahalin mo ang iyong negosyo at kapag mahal mo ang isang bagay, huwag mo itong aabusuhin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-25-30-31-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang maniwala sa iba na nagsasabing, hindi mabuting tumingin sa panlabas na ganda dahil ang totoo, sa buhay, kung sino at ano ang maganda, ‘yun ang nakapagpapasigla sa tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-16-23-38-41.

CANCER (June 21- July 22) - Alipin ka ng iyong damdamin. Kailan ka kaya makalalaya? Kapag inisip mo ang iyong kinabukasan, hindi ka aalipinin ng kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-28-35-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang ikaw ang makikita ng lahat dahil napakalakas ng karisma mo ngayon kung saan mabibihag mo ang mga matang tumititig at sumusulyap sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-27-30-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakalakas ng dating ng iyong mga paliwanag. Ang matagal nang hindi magising sa katotohanan ay mamumulat ang mga mata at kapag sinunod ka nila, gaganda ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-27-34-36-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo at hawak mo rin ang kapalaran ng nakadikit sa iyong buhay. Magandang balita ito dahil kung sino ang may kontrol, siya ang masusunod. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-23-31-36-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap humanap ng taong hindi umaatras. Ngayon, hindi na aatras ang magagandang kapalaran mo kung saan paangat ka nang paangat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-27-32-38-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mong magkamali ngayon. Para hindi ito mangyari, ang mga aral sa buhay na iyong natutunan ay ikuwintas mo sa iyong leeg at itali mo sa iyong mga daliri. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-30-39-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nadarapa ang mabilis, kaya pag-aralan mo nang mabuti ang susunod na hakbang tungo sa tagumpay. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran na dapat hindi mo makalimutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-16-33-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang bagong pangyayari sa mundo. Pabalik-balik lang ang mga kaganapan. Ngayon, muling babalik ang mga araw kung kailan ka binuwenas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-28-31-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iba-iba ang paniniwala ng bawat tao. Kaya huwag mong asahan na walang kokontra sa iyo. Ang mahalaga, kung ano ang gusto mo, ‘yun ang ituloy mo. Ito ang susi para magkaroon ka ng maligayang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-14-15-20-27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page