Hindi lang daw ito dahil sa eye problem, besh! MGA TAONG MADALAS NA NAKARARANAS NG EYE TWITCHING, K
- DONNABELLS
- Jan 15, 2019
- 2 min read

MADALAS bang kumurap ang inyong mga mata kahit hindi n’yo ito ginagalaw? Naku, bad ‘yan! Ayon sa mga eksperto, ang eye twitching umano ay isa sa mga sintomas ng iba’t ibang karamdaman. Hala!
Marahil, marami sa atin ang nakararanas ng eye twitching kung saan hindi natin ito masyadong pinapansin dahil akala natin ay simpleng pagkurap lamang ito, pero knows ba ninyo na ang eye twitching umano ay nati-triggered dahil sa lifestyle na mayroon tayo?
Halimbawa sa mga ito ay ang madalas na pag-inom ng alak, sobrang expose sa liwanag, madalas na pag-inom ng kape, paninigarilyo, pagiging stress at marami pang iba.
Gayunman, kung hindi ito maaagapan, maaari itong magresulta ng iba’t ibang sakit tulad ng conreal abrasion, enropion, glaucoma at pagiging dry ng mga mata.
Maliban pa rito, ang eye twitching ay isa rin umano sa mga sintomas sa pagkakaroon ng brain and nervous system disorder kung saan kabilang dito ang bell’s palsy, cervial dystonia at tourette syndrome.
Samantala, mainam din kung kada buwan ay kumukonsulta tayo sa opthalmologist nang sa gayun ay namo-monitor natin ang grado ng ating mga mata dahil malaki rin ang factor nito sa ating buhay.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung madalas tayong nakararanas ng eye twitching, mainam kung magpakonsulta na kaagad tayo sa mga eksperto nang sa gayun ay maagapan natin ang pagkakaroon ng malubhang sakit.
Iwasan din natin ang madalas na paggamit ng cellphone, computer at iba pang gagdets na malakas ang radiation na nakaaapekto sa grado ng ating mga mata.
‘Ika nga nila, masayang gumamit ng social media, pero kung kalusugan naman natin ang madedehado, bumalik na lang tayo sa dati nating nakasanayan na naglalaro ng piko, patintero, Chinese garter at marami pang iba.
Huwag nating abusuhin ang katawan natin lalo na ang ating mga mata dahil malaki ang naitutulong nito sa ating buhay — sa pagtatrabaho at sa pag-aaral.
Ngayong panibagong taon na ang ating haharapin, dapat ay matuto na tayong alagaan ang ating sarili lalo na at pabago na nang pabago ang lifestyle na ating na-a-adapt.
Kaya mga beshy, always remember na lamang ang taong healthy. Okie? Hi-hi-hi!




Comments