Dehins knows kung paano kikita ng pera

Dear Roma, Ako si Eya, 24 years old at wala pa akong trabaho. Walong buwan na mula nang gumradweyt ako sa college, pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpanyang tumatanggap sa akin. Sa katunayan, nahihiya na ako sa mga magulang ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakatutulong sa mga gastusin sa bahay. Ang dami ko na ring na-apply-an, pero mukhang malas talaga ako. Sana, mapayuhan ninyo ako. Maraming salamat!— Eya
Eya, Alam mo, iha, ganyan talaga ang kadalasang nangyayari sa mga fresh graduate, mayroong pinapalad na magkaroon agad ng trabaho at mayroon din namang hindi. Pero, ipinapayo namin sa’yo na huwag kang mawalan ng pag-asa dahil siguradong darating din ang panahon na may kumpanyang tatanggap sa’yo. Kaunting tiyaga pa sa paghahanap ng trabaho at tiyak na matatanggap ka rin. Good luck sa‘yo! Kaya mo ‘yan! God bless!





Comments