top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di ba’t siya’y tao lang, maiaalis mo ba sa kanya ‘yan? SINGER-ACTRESS, AYAW NA CHAKA, MALETANG MAK

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 15, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

SOBRA ang pagiging banidosa ng may-edad nang singer-actress. Masyadong conscious sa kanyang hitsura, lalo na ngayong nagkakaedad na siya. Mortal sin para sa kanya ang makita siya ng madlang pipol sa kanyang ‘bagong gising look.’

Kailangang fully made-up at mala-diyosa ang ganda niya kapag humaharap sa mga tao o nasa public place. Hindi siya makikitang walang makeup lalo na kapag nagta-travel abroad para mag-show.

Hindi importante sa kanya ang costume, damit, bag o sapatos na gagamitin sa kanyang mga shows. Basta ang lagi niyang priority ay ang malaking maleta ng makeup/cosmetics na kanyang ginagamit.

Napakaraming ritwal ng may-edad nang singer-actress bago matulog at pagkagising. Iba’t ibang cosmetics ang ginagamit niya para manatiling fresh, maganda at bata. ‘Yun ang weakness niya. Kaya kahit hirap na hirap sa dami ng bagahe niya ‘pag bumibiyahe abroad, top priority niya ang kanyang malaking maleta ng makeup.

‘Yun ang kanyang buhay at kaligayahan. Kaya naman dusa talaga ang kanyang mga kasama ‘pag bumibiyahe siya at hirap na hirap ang mga ito sa pagbibitbit ng kanyang maleta ng makeup kit.

Hindi naman ganu’n kabanidosa ang ibang naggagandahang artista ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page