Wanted na karnaper timbog
Pabs Hernandez III
Jan 14, 2019
1 min read
DAVAO CITY—Isang wanted na karnaper ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Mintal District sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ronald Brigoli, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Brigoli sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments