Nanlabang tulak tepok
Pabs Hernandez III
Jan 14, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pampang, Angeles City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilala sa alyas Min So, umano ay pusher na nagpapakalat ng shabu sa nasabing lungsod.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si “Min So”, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments