top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKAROON NG TRABAHO NA MAY KAUGNAYAN SA KURSONG HRM

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Tapos ako ng kursong HRM at ngayon ay matagal na akong nag-a-apply sa barko bilang seafarer o cook, pero hindi pa rin ako tinatawagan. Kailan kaya ako makapag-a-abroad?

  2. Wala rin akong boyfriend. Sa palagay ninyo, kailan kaya ako susuwertehin sa love life at career?

  3. Kailan kaya magbabago ang takbo ng buhay ko at kailan kaya ako susuwertehin? Sa tingin ko kasi, parang maramot sa akin ang kapalaran at malas akong tao.

KASAGUTAN

  1. Para hindi ka na malasin at maging galante sa iyo ang kapalaran, dapat ay maging galante ka rin sa iyong kapwa, Hindi porke sinabing “galante” ay pera o materyal na bagay na kaagad ang pinatutungkulan o pinag-uusapan ng pagiging galante.

  2. Naalala ko tuloy ‘yung dati kong teoriya kung bakit ‘yung ibang babae na masasabing maganda ay tumatandang dalaga.

  3. Sa aking palagay, tumatandang dalaga ang ilang mga kababaihan dahil kuripot sila o hindi sila galante.

  4. Sa ganitong punto, puwedeng bihira silang mamigay sa kanilang mga kamag-anak o kakilala at maaaring mas lalo silang kuripot sa mga taong hindi nila kakilala.

  5. Ang tendency tuloy, maging ang kanilang ngiti, saya, kasiglahan, mga kalokohan nila sa buhay at kung anumang nasa damdamin at isip nila, lihim nila ‘yung itinatago sa iba at dahil likas silang kuripot, sa bandang huli, hindi nila namamalayan, pati ang puso at pagmamahal nila ay hindi na nila naise-share sa iba, kaya ang naging resulta, tumandang dalaga tuloy sila, habambuhay.

  6. Masdan mo ‘yung mga lalaking mahilig sa babae at ‘yung mga babaeng playgirl, sobrang galante nila sa katawan.

  7. Yan ang mga babaeng madaling magka-boyfriend. Hindi ‘yung lalandiin mo ang lahat ng lalaking makasalubong mo sa daan para magka-boyfriend ka o makapag-asawa sa panahong malapit ka nang tumandang dalaga, bagkus, ang sinasabi lang natin ay maging palabigay ka.

  8. Ibigay mo ang iyong oras sa nagdi-deliver ng tubig, makipagkuwentuhan ka ng bahagya. Ibigay mo ang iyong oras sa kasamahan mo sa trabaho na maghapong nakayuko sa harap ng computer. Ibigay mo ang iyong oras sa traysikel driver na palagi mong sinasakyan, kumustahin mo kung malakas ba ang pasada. Ibigay mo ang iyong oras sa nagtitinda ng fishball, kumustahin mo kung bakit ang sarap-sarap ng sawsawan at nakaka-addict tuloy tumuhog nang tumuhog. Minsan, dahil sa sobrang karamutan mo, pati ‘yung “like” ipinagdaramot mo pa, eh, wala namang bayad ang mag-like sa wall ng friends mo sa Facebook. ‘Yung pusuan mo man lang ang mga post ng kaibigan mo ay sapat na upang maipakita mong hindi ka maramot.

  9. Ganu’n dapat, maging interesado ka sa iba. Ibigay mo ang iyong oras, ang kaunti mong laway at ibuka mo ang iyong bibig sa pakikipagkuwentuhan. Kapag nagawa mo ‘yan, makasasanayan mo na ngayong ipagkaloob ang sarili mo sa iba hanggang sa mabuksan nang unti-unti ang iyong puso sa mga bagay na pinagkakaabalahan at pinahahalagahan ng kapwa mo. Sa bandang huli, dahil marunong kang magpahalaga, mangumusta, magkainteres, may concern ka na sa iba at sanay ka nang ngumiti sa iyong kapwa, darating ang saktong panahon, ngingitian ka rin ng kapalaran, hindi ka tatandang dalaga at dahil interesado ka sa kapwa mo, sa bandang huli, may magkakainteres din sa iyo, liligawan ka hanggang sa tuluyan mo ng matagpuan ang lalaking hindi rin maramot magmahal kung saan makabubuo kayo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.

  10. Nangyari ito dahil sinabi sa iyo ni Maestro Honorio ang katotohanan ng buhay. Kaya isang araw, masasabi mo sa iyong sarili: “Tama pala si Maestro Honorio Ong, ‘yun lang pala ang sikreto upang magka-boyfriend, maging maligaya at maiwasang tumandang dalaga”.

  11. Samantala, pansining sa halos gitnang bahagi na ng palad nagsimulang lumago ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) hanggang ganap na makarating sa tinatahak niyang direksiyon ang Bundok ng Pag-unlad o Mount of Saturn (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa middle age pa magaganap ang sinasabi mong pagbabago ng buhay at sa panahong ‘yun, doon na sabay-sabay na magaganap ang magandang kapalaran na noon mo pa hinihintay, makapag-a-abroad ka at magkakaroon ng boyfriend at habambuhay nang magiging maligaya.

  12. Habang, ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka ay madaling kinumpirma ng Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na, bagama’t, hindi ka sa barko mapupunta, tiyak namang makararating ka sa ibayong-dagat kung saan magkakaroon ka ng trabaho na may kaugnayan sa kurso mong HRM.

MGA DAPAT GA­WIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Irish, sa taong 2020, sa edad mong 29 pataas pa magaganap ang isang masagana at mabungang pangingibang-bansa at kasabay nito, sa bansang pupuntahan mo, maipagkakaloob mo ang iyong atensiyon at pagmamahal sa isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aries dahil naging galante ka at sa bandang huli, ang nasabing lalaki na ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. 1-M arrow d.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page