Magkaisa para sa maayos, mapayapa at tapat na halalan
- BULGAR

- Jan 14, 2019
- 1 min read

KAUGNAY sa pagsisimula ng election period kahapon, isinagawa naman ang unity walk, interfaith prayer rally at peace covenant signing sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ito ay para sa mapayapang pagdaraos ng May 2019 Midterm Elections.
Nasa anim na libo katao ang sumama sa pagtitipong ginanap sa Quezon City Memorial Circle.
Nakiisa ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, NCRPO at Commission on Elections.
Present din ang iba’t ibang grupo at supporters ng mga kandidato sa local at national positions.
May inialay na dasal ang mga religious leader at sabay-sabay na nanumpa ang lahat ng mga nagtipun-tipon para sa integrity pledge o para sa maayos, mapayapa at tapat na eleksiyon.
Bukod sa Kyusi, may pagtitipon din sa Lungsod ng Baguio na dinaluhan din ng mga kandidato na kinatawan ng Comelec, DILG, NAPOLCOM at naroon din ang mga religious representative at marami pang iba.
Nagsagawa rin ng kani-kanilang unity walk, interfaith rally at peace covenant signing ang iba pang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Tayo rin ay nakikiisa sa hangaring ito na nawa ay matapos ang halalan nang matagumpay.





Comments