top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GINEBRA, SOBRA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2019
2 min read

KINALAWIT ng Barangay Ginebra Gin Kings ang unang panalo sa pagbubukas ng 2019 PBA Philippine Cup matapos lasingin ang TNT KaTropa, 90-79 kagabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

Umalagwa ang Ginebra sa fourth period upang ilista ang 1-0 karta at ipalasap sa TNT ang unang talo ngayong conference.Bahagyang naka-arangkada ang crowd favorite Gin Kings sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang seven-point lead 49-42 sa halftime. Nakipagsabayan ang Ginebra sa third canto upang manatili sa kanila ang bentahe, 63-57 papasok ng fourth canto. Samantala, umukit ng kasaysayan si San Miguel Beer center June Mar Fajardo matapos sikwatin ang pang-limang Most Valuable Player sa naganap na 43rd Leo Awards bago nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT KaTropa.

Unang manlalaro sa PBA ang 6-foot-10 Cebuano native Fajardo na sumungkit ng diretsong limang MVPs,nakalikom siya ng 1,032 sa stats, 777 na mula sa media, 327 boto sa kapwa player, 300 mula sa PBA para sa kabuuang 2,436 puntos.Inungusan ni SMB star player Fajardo si Stanley Pringle ng NorthPort na may total 2,041 puntos mula sa 1,107 (stats), 389, (media), 395, (players), 150,(PBA).

Tinanggap ni Fajardo ang MVP trophy kasama ang mga magulang niyang sina Bonifacio at Marites Fajardo,inalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang ama’t ina. “Sila ang dahilan kaya lumaki ako ng ganito,” patungkol ni Fajardo sa kanyang mga magulang. “Sila ang inspirasyon ko, nagsisikap ako para sa kanila.” Inamin ni Fajardo na kinakabahan siya nang sisimulan ng tawagin ang mananalo sa MVP at nahimasmasan lang ng tawagin ang kanyang pangalan.“Mahaba pa sana ang sasabihin ko sa speech ko pero hindi ko na nagawa dahil sa kinakabahan talaga ako, akala ko kasi hindi ako mananalo,” ani Fajardo.

Kasama nina Fajardo at Pringle sa First Mythical Team sina Paul Lee ng Magnolia, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer. Magkakasama naman sa Second Mythical Team sina Scottie Thompson, Mark Barroca, Arwin Santos, JP Erram at Matthew Wright.

Napunta kay Thompson ang Most Improved Player. Ang mga miyembro sa All Defensive Team ay sina Gabe Norwood, Rafi Reavis, June Mar Fajardo, Rome Dela Rosa at Chriss Ross. Kinalawit din ni Norwood ang ikatlong sunod na taon na Sportsmanship Award. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page