Bus sumalpok, 3 patay
SUMALPOK ang double decker bus sa transit shelter dahilan para masawi ang 3 katao at ikinasugat ng 23 iba pa sa Ottawa.
Kinumpirma ni Police Chief Charles Bordeleau na arestado ang driver ng bus ngunit, tumanggi itong magbigay ng iba pang detalye tungkol sa pagkakaaresto ng suspek.
Ayon sa awtoridad, dalawa sa nasawi ay pasahero ng bus habang ang isa ay nasa shelter.
Gayunman, siyam sa iba pang nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon. Naganap ang insidente sa Westbro Station kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang harapang bahagi ng bus habang natanggal ang bubong ng shelter at napunta sa upper deck ng bus.





Comments