Biyudo nilikida ng gunman
Pabs Hernandez III
Jan 14, 2019
1 min read
DAVAO DEL SUR—Isang biyudo ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Managa, Bansalan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Rico Endar, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Endar nang biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments