top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Bird Box Challenge' ginaya | BEBOT NA NAKAKOTSE, NABANGGA

Jersy Sanchez
Jan 14, 2019
1 min read

BUMANGGA ang sasakyan na minamaneho ng babaeng menor-de-edad matapos gawin ang ‘Bird Box Challenge’ sa Layton, Utah.

Ayon kay Layton Police Lt. Travis Lynman, tinakpan ng 17-anyos na dalagita ang kanyang mga mata habang nagmamaneho bilang paggaya sa pelikulang “Bird Box” dahilan para bumangga ito sa isa pang sasakyan.

Ang pelikulang “Bird Box” ay pinagbidahan ni Sandra Bullock na ipinalabas sa Netflix kung saan dapat may takip ang mga mata ng indibidwal para hindi nito makita ang bagay na nang-eengganyo sa mga tao na mag-suicide.

Viral ngayon sa social media ang paggaya sa nasabing pelikula kung saan nakatakip ang mga mata ng tao habang sila ay may ginagawa, gayundin, may mga gumaya ng ilang eksena sa pelikula.

Bagama’t, walang nasaktan sa insidente, nagbigay-babala ang pulisya na huwag gayahin ang mga napanood sa “Bird Box”.

Gayunman, ayon kay Lynman, huwag magmaneho nang naka-blindfold upang maiwasan ang aksidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page