top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bebot na kinukulit ng ex na mayroon ng anak

ROMA AMOR
Jan 14, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Icel, 22 years old. Sa ngayon, may problema ako, gusto kasi akong ligawan ng ex ko nu’ng high school, mabait siya at guwapo, kaya lang may anak na siya. Nalilito ako kung papayag ba ako o hindi? Sa totoo lang, hindi ko naman hinuhusgahan ‘yung mga taong may anak na tapos hiwalay sa asawa, ang sa akin lang, parang hindi ko kaya ‘yung ganu’ng set-up. Ano ang dapat kong gawin? — Icel

Icel, True ka r’yan, mamsh! Alam mo, ang maipapayo namin sa iyo ay huwag kang maging marupok pagdating sa pag-ibig. Totoo, nasa tamang edad ka na para magdesisyon para sa iyong sarili, pero mabuti pa rin na kung papasok ka sa kumplikadong relasyon, eh, handang-handa ka na talaga dahil kapag hindi, alam mo na kung ano ang kahihinatnan niyan. Kaya mo ‘yan! Aja, fight! Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page