top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKAKATAPAT-TAPAT NG CHINESE ANIMAL SIGN, ZODIAC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2019
  • 3 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Dennis ng Dennis_Marshei @facebook.com.

Dear Señor, Ano ang katumbas na zodiac sign sa Western Astrology sa animal ng Chinese zodiac sign? March 2, 1998 ang birthday ko. Salamat!

Naghihintay, Dennis

Sa iyo Dennis, Narito ang pagkakatapat-tapat ng mga zodiac sign sa Western Astrology sa animal sign sa Chinese zodiac:

Para sa animal sign na Rat, mula December 7 hanggang December 21 ay sakop ng zodiac sign na Sagittarius at mula December 22 hanggang January 5 ay sakop naman ng zodiac sign na Capricorn.

Para sa animal sign na Ox, mula January 6 hanggang January 20 ay sakop ng zodiac sign na Capricorn at mula January 21 hanggang February 3 ay sakop ng zodiac sign na Aquarius.

Para sa animal sign na Tiger, mula February 4 hanggang Febuary 19 ay sakop ng zodiac sign na Aquarius at mula February 20 hanggang March 5 ay sakop ng zodiac sign na Pisces.

Para sa animal sign na Rabbit, mula March 6 hanggang March 20 ay sakop ng zodiac sign na Pisces at mula March 21 hanggang April 4 ay sakop ng zodiac sign na Aries. Para sa animal sign na Dragon, mula April 5 hanggang April 20 ay sakop ng zodiac sign na Aries at mula April 21 hanggang May 4 ay sakop ng zodiac sign na Taurus.

Para sa animal sign na Snake, mula May 5 hanggang May 21 ay sakop ng zodiac sign na Taurus at mula May 22 hanggang June 5 ay sakop ng zodiac sign na Gemini.

Para sa animal sign na Horse, mula June 6 hanggang June 21 ay sakop ng zodiac sign na Gemini at mula sa June 22 hanggang July 6 ay sakop ng zodiac sign na Cancer.

Para sa animal sign na Goat, mula July 7 hanggang July 22 ay sakop ng zodiac sign na Cancer at mula July 23 hanggang August 6 ay sakop ng zodiac sign na Leo.

Para sa animal sign na Monkey, mula August 7 hanggang August 22 ay sakop ng zodiac sign na Leo at August 23 hanggang September 7 ay sakop ng zodiac sign na Virgo. Para sa animal sign na Rooster, mula September 8 hanggang September 23 ay sakop ng zodiac sign na Virgo at September 23 hanggang October 7 ay sakop ng zodiac sign na Libra.

Para sa animal sign na Dog, mula October 8 hanggang October 23 ay sakop ng zodiac sign na Libra at October 24 hanggang November 6 ay sakop ng zodiac sign na Scorpio.

Para sa animal sign na Pig, mula November 7 hanggang November 22 ay sakop ng zodiac sign na Scorpio at mula November 23 hanggang December 21 ay sakop ng zodiac sign na Sagittarius.

Makikita mo, Dennis, na hindi simple ang pagkakatapat-tapat ng Chinese animal sign at ng zodiac sign sa Western Astrology dahil sa bawat zodiac sign ay dalawa ang Chinese animal signs.

Tulad mo na may birthday na March 2 na sakop ng zodiac sign na Pisces at ang iyong Chinese animal sign ay Tiger, huwag mong aakalain na ang mga isinilang na Pisces ay lahat sila ay sakop ng Tiger dahil ang mga araw na sakop pa rin ng Pisces na March 6 hanggang March 20 ay Rabbit.

Ang mga nasa itaas ay gawin mong batayan. Pagtiyagaan mong masterin dahil sa totoo lang, bihira lang sa nagpapakilalang master ng Chinese zodiac ang marunong sa kaalamang ito.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page