7 Dedbol sa tumaob na bus
PATAY ang pito katao nang tumaob ang isang bus sa Cuba.
Mula sa Baracoa, patungong Guantanamo ang naturang bus nang bigla itong tumaob sa bulubunduking bahagi ng lugar.
Batay sa impormasyon, 40 katao ang sakay ng bus kung saan 17 sa mga ito ay Cuban at ang iba ay mga turista mula sa ibang bansa.
Gayunman, ang mga nasawi ay pawang tatlong Cubans, dalawang Argentines, German at French.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang 33 iba pang sugatan habang patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.





Comments