2 LABAN NA LANG KAY PACMAN PRAYERS NI JINKEE, STOP NA!


HINDI na kuwestiyonable ang accomplishment na naabot ni Manny Pacquiao bilang isang prizefighter.
Kaya naman nais ng misis niyang si Jinkee na kumbinsihin ang 8-division world champion na seryosohin na ang nalalapit na pagreretiro.
“Sometimes we talk about retiring because boxing is a tough job for the both of us,” saad ni Jinkee sa isang espesyal na TV series ng Showtime sa ABS-CBN sa promosyon ng laban ni Pacman kontra Adrien Broner sa Sabado, Enero 19 sa Las Vegas, (Enero 20 sa ‘Pinas). “If he wins, maybe (this) year one fight and then that’s it. I pray for that.”
Nakatakdang depensahan ni Pacquiao ang hawak niyang world welterweight crown kontra Broner sa Linggo. Kung magiging kumbinsido ang panalo niya, inaasahang susunod niyang makasasagupa si Floyd Mayweather Jr.
Pero para kay Pacquiao hindi pa niya nakikita ang sarili na paretiro na. “When that time comes, I will know that,” aniya. “But right now, I listen to my body, not to my mind. And also, I’m enjoying it. I don’t feel like 40 years old.” (MC)





Comments