12-Anyos ginahasa ng kelot
- Pabs Hernandez III
- Jan 14, 2019
- 1 min read
CAGAYAN—Isang 12-anyos na batang babae ang ginahasa ng isang binata, kamakalawa sa bayan ng Aparri sa lalawigang ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Maria”, nakatira sa naturang bayan.
Hindi muna pinangalanan ang suspek na nahaharap sa kasong rape at child abuse hangga’t hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.
Ayon sa biktima, pinainom umano siya ng alak ng suspek at pagkaraan ay ginahasa na siya nito sa naturang lugar.





Comments