Tatay na dehins knows kung paano sasabihin sa mga anak na may babae ng nagpapatibok ng kanyang puso
- ROMA AMOR
- Jan 13, 2019
- 1 min read
Dear Roma, Ako si Jonathan, 45 years old at biyudo na nang limang taon. Namatay ang asawa ko dahil sa komplikasyon nang ipinanganak niya ang pangalawa naming anak. Mayroon kaming dalawang anak isang 10 at 5 years old. Sa ngayon ay may nagugustuhan akong babae at medyo nagkakamabutihan na kami dahil katrabaho ko siya. Sa totoo lang, eh, dahil bata pa ang mga anak ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na may nagugustuhan akong babae. Roma, ano ang dapat kong gawin? Sana, matulungan ninyo ako. Salamat! — Jonathan
Jonathan, Hindi nga madali ang sitwasyon mo, bro. Ang maipapayo namin sa iyo ay subukan mong ipakilala sa mga anak mo ang babaeng tinutukoy mo nang sa gayun ay makilala siya ng mga anak mo. Gayundin, malalaman mo kung paano magkakasundo ang mga anak mo at ang babaeng gusto mo. Ngunit, kung siya na nga ang babae na gusto mong makasama, ipangako mo sa iyong mga anak at sa namayapa mong asawa na mananatili ang kanyang mga alaala sa puso mo. Good luck sa’yo at God bless!





Comments