MAGAT SALAMAT, WOOLOOMOOLOO, PRINCESS EOWYN, PANOLO SA WTA

NAGLAAN ng P50,000 papremyo si Sandy Javier Jr.,para roon sa mananalong kabayo sa karerang gaganapin ngayong araw sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito magbibigay din ng paprempo sa apat na unang makakatawid sa finishing line ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng P50,000 sa Rating Based Handicap System Race (RBHS).
Sa Race 1, nakalalamang ang Couple Entry No.1 (Taranasakalyos at Karangalan), kontra sa Alberto, Rafa, Hantik, Brilliant Move at Leather King. Ipinapatok ang Couple Entry No.2 (Court of Justice at Nabighani) laban sa mga kalaban na Quincy, Nurture Nature, Shadow Jane, Big Big Brown at Rosario Princess.
Maglalaban-laban ang tatlong kalahok na Song of Songs, Eugene Onegin at Pinagtipunan sa Race 3 habang sa Race 4 ay maglalaban ang Oak Hill, Electric Dreams, Baisakhi at Ashea’s Will para sa Winner Take All event.
Sa Race 5, walang ibang pipiliin ang bayang karerista kundi ang kalahok na Princess Eowyn, habang ang Couple Entry No.3 sa Race 6. Magsisilbing parating ang Cassie Dear, Proof It at Captain of the Sea sa unang WTA habang ang Savior at Wizka ay napipisil kong iposte sa 3rd Pick 5 sa Race 8. Sa Race 9, mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Jun Tailor, Ava Jing Pot Pot, Universe, Gentleman Jim at Sikat. Panolo ang Magat Salamat sa Race 10 habang ang Entry No.1, Gee’s Queen at Changes at Rianna ay parating sa Race 11.
Magsisilbing panolo ang Wooloomooloo at Can you Giub at Yes All Wee Bet ay para sa forecast only. Race 1- Entry No.3, Alberto(9) Rafa (11) Race 2- Entry No.2, Shadow Jane(6) Rosario Princess(11) Race 3-
Song of Songs (3) Pinagtipunan(4) Race 4- Oak Hill (8) Electric Dreams(3) Baisakh(2) Race 5- Princess Eowyn, Ava Natalia(8),Entry No.3 Race 6 - Entry No.3, Entry No.6, Tequila Princess(5) Race 7- Cassie Dear (3), Proof It(2), Captain of the Sea(10) Race 8- Savior (3), Wizka(6) Umbrella Girl(1)





Comments