Driver tinodas ng gunman
Pabs Hernandez III
Jan 13, 2019
1 min read
ISABELA—Isang driver ang napatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Villa Domingo, Angadanan sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jayson Domingo, residente ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na lulan ng tricycle si Domingo nang pagbabarilin ito ng suspek. Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments