Dehins mo na need pumunta ng parlor para magpa-hair spa, mamsh! TANGLAD, KERING PAMPAGANDA NG BUHOK
- DONNABELLS
- Jan 13, 2019
- 1 min read

MADALAS na inilalagay ang tanglad sa mga inilulutong pagkain upang mabawasan ang pagiging malansa nito, pero alam ba ninyong bukod dito ay may kakaiba pang benepisyong maibibigay ang tanglad sa ating katawan? Woah!
Ang tanglad o “lemon grass” sa, Ingles ay madali lamang hanapin sa ating mga bakuran, kaya ito ang madalas na isinasangkap sa ating mga nilulutong ulam.
Gayunman, puwede rin itong gawing tsaa na mabuti para sa sumasakit na tiyan, pero bukod sa mga ito, marami pang nakabibilib na naidudulot ang tanglad sa katawan ng tao.
Una, ito umano ay mayaman sa antioxidants na nakatutulong upang malinis ang mga dumi sa ating katawan.
Pangalawa, nakare-regulate ito ng blood pressure lalo na kung madalas tayong hina-highblood sa mga taong toxic sa ating buhay.
Pangatlo, para sa mga problemado riyan dahil walang budget na magpa-salon para magpa-hair spa, epektibo rin umanong pampaganda ng buhok at balat ang tanglad, kaya dehins na ninyo need pa ang gumastos, mga baks!
Pang-apat, kung madalas kayong inuubo at sinisipon pagkatapos ay hindi n’yo kering puro tubig lang ang inumin, bakit hindi n’yo lagyan ng tanglad ang tubig nang sa gayun ay mas mabilis kayong gumaling, oh, ‘di ba, bongga?
Panlima, para sa kababaihang madalas makaranas ng dysmenorrhea, ito na ang sagot sa ating mga problema, kaya ano pa ang hinihintay ninyo, magpakulo na kayo ng tubig, mga mamsh, dali!
Walang magiging problema kung susubukan ninyo ang kakayahan ng tanglad, mga beshy dahil tiyak na epektibo ito at masustansiya, walang halong kemikal, kumbaga, organic ito kaya sure tayong safe itong inumin.
Gets mo?





Comments