Umawat sa away sinaksak
PANGASINAN—Isang lalaki na umawat sa nag-aaway na mag-asawa ang sugatan nang saksakin, kamakalawa sa Bgy. Seselangen, Sual sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Cesar Callejo, samantalang, ang suspek ay si Reynald Balmania, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaawat ni Callejo si Balmania at ang misis nito na nag-aaway sa naturang lugar, pero hindi nagustuhan ng suspek ang pag-awat ng biktima kaya ito ang napagbalingan niyang saksakin.
Ginagamot na sa ospital si Callejo, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments