No show sa pageant para makipag-date… CANDIDATE NG MISS INTERCONTINENTAL, SUMAMA SA PINOY BF SA BAG

MAY istorya pala kung bakit 64 lang sa 65 candidates ng Miss Intercontinental 2018 na unang dumating sa bansa ang rumampa sa press presentation noong January 9 sa Sofitel Hotel.
May Pinoy boyfriend pala rito ang isang kandidata at niyaya raw sa Baguio, namasyal ang dalawa habang may press presentation.
Ano kaya’ng hakbang ang gagawin ng Miss Intercontinental sa kanya?
Darating pa ang ibang kandidata dahil 80 candidates ang lahat ng sumali from 80 different countries. Kahit sinong judge, mahihirapang mamili lalo’t magaganda ang mga kandidata.
Lamang na si Miss Philippines Karen Gallman na nanalo ng special award na H & H Standout Beauty at media favorite siya after ng press presentation.
After the press presentation, gagawin ang pre-pageant shows kabilang ang Swimsuit and Philippines Designer’s Evening Gown Fashion Show sa January 16 sa Grand Ballroom ng Okada Manila.
Sa Okada Manila rin gagawin sa Jan. 17 ang Evening Gown competition at Filipiniana Fashion Show. Sa Jan. 19 ang National Costume Competition sa The Garden sa Okada Manila.
Ang final pageant at coronation night ay sa Jan. 26 sa Mall of Asia at ang TV airing ay sa Jan. 27 sa ABS-CBN bago ang A.S.A.P..





Comments