Mangingisda natagpuang patay
ISABELA—Isang mangingisda ang natagpuang patay habang nakalutang sa sapa, kamakalawa sa Bgy. Reina Mercedes, Maconacon sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Papig Pattung, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa katawan.
Nabatid na ilang kaibigan ni Pattung na nakitang nakainuman nito bago natagpuan ang kanyang bangkay ang iniimbestigahan na ng pulisya kung may kinalaman sila sa pamamaslang sa biktima.





Comments