top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya raw nag-showbiz… SIGAW NI ANGEL: PERA-PERA LANG AKO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INAMIN ni Angel Locsin na pera-pera lang daw talaga ang kanyang pag-aartista nu’ng una, pero nagbago ang lahat nang makatrabaho niya ang magaling na aktres na si Amy Austria sa isang serye.

Kuwento ni Angel, “Ang hindi ko makakalimutan, si Amy Austria sa Mulawin.

“Noon, nagbo-voice over kami... tapos umiiyak siya.

“Sabi ko, ‘‘Nay, bakit ka umiiyak, eh, V.O. [voiceover] lang naman ito?’“Sabi niya, ‘Anak, kasi alam ng tao kung dinadaya mo sila. Alam ng tao kung binabasa mo lang ang script at ine-etchos mo lang sila. Kailangang maramdaman nila ang emosyon mo because that is your responsibility.’

“Du’n ako nagkaroon ng interes. Ganu’n niya kamahal ang trabaho niya.”

Dagdag pa ni Angel, “Ako, pera-pera lang naman ako nu’ng umpisa, eh. Nu’ng pumasok ako, hindi ko talaga naiintindihan ‘yung passion sa pag-aartista. Gusto ko lang makaipon.

“Siya ‘yung unang nag-inspire sa akin na pag-aralan itong trabaho na mahal na mahal ko.”

Kaya nu’ng lumipat daw siya sa ABS-CBN ay ginawa na rin niya ang lahat ng aral na natutunan sa co-star.

Aniya, “Nu’ng nag-transfer ako sa ABS-CBN, ginagawa ko rin siya. Ngayon, hindi na uso kasi may mga revisions. Dito sa The General’s Daughter, mayroon akong kodigo. Pero sa iba, dahil on the set nire-revise ang script, hindi ko na ginagawa. May ibang technique na ako.

“Du’n nagsimula ‘yung passion ko. Bata ka, eh, gusto mo lang makaipon. Para kang bata na nagkaroon ng chance na mapunta diyan kaya mag-ipon ka. Ganu’n ‘yung pakiramdam ko noon.”

Matapos ang matagal na pagpapahinga sa telebisyon ay muli nang mapapanood si Angel Locsin sa teleseryeng The General’s Daughter.

Kasama niya sina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Maricel Soriano, Janice de Belen, Eula Valdez, JC de Vera, Paulo Avelino, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at marami pang iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page