top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kape ni: Klarence Pacer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2019
  • 1 min read

Kadalasan, may mga taong

umiinom nito at dalawang

lasa lang ang nakukuha nila, matamis at mapait. Tulad

ng relasyon, mayroong

matamis at mapait.

Matamis na pagmamahalan,

pinangangalagaan ang

kanilang mga puso, buumbuo ang tiwala sa isa’t isa. Palaging magkasama sa hirap at ginhawa

at handang protektahan ang isa’t isa.

Mapait na pagmamahalan,

madalas nag-aaway, maliit

na problema na lumalaki

dahil sa pag-aaway, hindi nagkakaintindihan,

pataasan ng pride, hindi nagkakasundo sa mga

bagay, sigawan, murahan, buhatan ng kamay hanggang sa humantong na sa

hiwalayan.

Kung ang kape ay mapait

nilalagyan ng asukal at

gatas para tumamis,

gayundin sa relasyon. Babaan ang pride ng bawat

isa, magpatawad sa

kasalanang nagawa, lambingan, ilibre ng

pagkain at tanggapin ang

mga kakulangan ng bawat isa.

Kung hopeless romantic

ka, ‘wag kang mag-alala. May darating na talagang

tatanggap sa’yo nang buo,

mamahalin ka nang buo at handang magsakripisyo,

alang-alang sa pagmamahal. ‘Ika nga, “true love never fails,

if does, then it is not a true love.”

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page