Basta drink moderately...PAG-INOM NG ALAK, EPEKTIB NA PANLABAN SA STRESS!
- Jersy Sanchez
- Jan 12, 2019
- 2 min read

KADALASANG sinasabi ng iba na walang katuturan ang pag-inom ng alak dahil wala itong magandang naidudulot sa katawan kundi hangover at sakit sa atay. Pero, knows ba ninyo na ang pag-inom ng alak ay may naidudulot na benepisyo sa ating mental health?
Weh, ‘di nga?
1. BOOSTS CONFIDENCE. Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng alak ay nakaaapekto sa ating psychological inhibitions kung saan pansamantala nitong nababawasan ang anxiety natin. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ang indibidwal kapag nakainom sila ng alak.
2. YOU TAKE MORE RISKS. Dahil nabawasan ang anxiety, nagiging matapang ang tao kaya nakakayanan nitong gawin ang mga bagay na kinatatakutan niyang gawin. Minsan, mayroon pang mga dare na talagang nakahihiyang gawin, pero dahil may amats at lakas ng loob ang tao, nagagawa niya ito. He-he-he!
3. REDUCES STRESS. Ang alak ay sedative at depressant, kaya may epekto ito sa ating nervous system kung saan nakatutulong ito upang ma-relax ang sinumang iinom ng alak. Dahil sa depressant properties nito, napababagal nito ang pressure at tension kapag iniisip natin ang mga problema natin.
4. MAKES US CLOSER. Ang alak ay nakaaapekto sa prefrontal cortex ng utak kung saan ito ang namamahala sa ating emosyon. Ayon sa mga eksperto, ang alak ay puwedeng maging dahilan ng pagiging madaldal kaya mas nagiging open ang tao tungkol sa kanyang nararamdaman.
5. FORM FRIENDSHIPS. Dahil nakawawala ng anxiety ang kaunting alak, mas nagiging confident ang indibidwal kapag may amats na. Sa ganitong paraan, mas nagiging madali para sa kanila ang makipagkaibigan.
Kaya mga lodi, mayroon na tayong isasagot sa mga taong nagsasabi na walang katuturan ang pag-inom ng alak. Ha-ha-ha! Pero, ang paalala sa lahat, uminom ng alak ng naaayon sa inyong tolerance.
Copy?





Comments