top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya wala nang career, nagkasakit pa… KRIS, ISINUMPA NG MGA TAONG NASAKTAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2019
  • 1 min read

SA kanyang Instagram account, inamin ni Kris Aquino na bumalik siya sa Singapore para sa checkup matapos siyang ma-diagnose na may lupus. Pinayuhan daw siya ng kanyang mga doktor na kailangan niyang magpahinga kaya iko-confine siya sa ospital habang isinasagawa ang mga tests sa kanya.

Marami na ang naaawa at nakikisim­patya ngayon kay Kris dahil sa dinadala niyang health at financial problems.

Sobrang stress pa ang dinaranas niya dahil sa mga kasong isinampa niya laban sa dating manager na si Nicko Falcis.

Maging ang mga taong imbiyerna noon sa kaartehan ni Kris ay lumambot na rin ang puso at naaawa sa sinapit ng dating presidential daughter.

Sa kanyang sitwasyon ngayon, kaila­ngan ni Kristeta ng maraming prayer warriors upang gumaan at magkaroon ng solusyon ang kanyang mga problema. Kailangan ding mawala na ang sumpa sa kanya ng mga taong nasaktan niya noon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page