INTER STATE, SUNSHOT AT I LOVE JANE, PUWEDENG SOLOHIN SA WTA

MAGANDA ang line-up ngayon ng mga kalahok na mananakbo sa karerang gaganapin kasabay ng paghataw ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Unang matutunghayan ang laban ng pitong kalahok sa pag-alagwa ng Group Race (8-9) sa Race 1 na umpisa ng Winner-Take-All event. Limang kabayo ang inaasahang maglalaban-laban na pinapaboran ang couple entry na High Grader at Faithful Wife, laban sa mga kalahok na Zapima, Shining Courage, Loudes Drive at Triton.
Sa Race 2, magsisimula ang Pick 6, na paglalabanan ng walong kalahok ng Condition Race 17 na pumapabor sa Sunshot na rerendahan ni Apprentice Jockey M P La Loma, na posibleng makalaban ay ang Watermania, Paradise Creek at Pabulong.
Magkakasubukan ngayon ang siyam na kalahok sa paghataw ng Group Race (10) ang mga kalahok na Courages, Dixie Storm, River Mist, Princess Tin at Marino ng Tangaw sa Race 3 kung saan magsisimula ang Pick 5 event.
Matindi ang labanang magaganap sa 3 Year Old Group Races (7) sa pagitan ng Interstate at Caloocan Girl, habang ang Early Bird at Chef Kat ang makakalaban sa Race 4 na simula ng Pick 4 event. Walang kasing patok ang Storm Chaser na banta ang mga kalahok na Apo ni Rhea, Spin Move at Hello Gorgeous sa Race 5. Sa Race 6, pinapaboran ang I love Jane kontra sa Classic Gee, Del Monte at App Da Bonus sa pagtikada ng Condition Race (16).
Magsisilbing parating sa Races 7 para sa WTA, pick 6, pick 5 at pick 4 ang Smart Tyler, Believable, Ahala at entry no.1. Kung gustong makatipid puwedeng solohin ang Smart Tyler.
Tip ni Mang Ding Race 1- Entry No.1, Zapima (5), Shining Courage (4) Race 2- Sunshot (7), Watermania (2), Paradise Creek (3) Race 3- Courageous (5) River Mist (8) Dixie Storm (2) Race 4- Inter State (3) Caloocan Girl (1) Early Bird (4) Race 5-
Storm Chaser (7), Apo ni Rhea (10) Hello Gorgeous (3) Race 6- I love Jane (7), Classic Gee (4) Del Monte (1) Race 7- Smart Tyler (6) Believable (7) Ahala (8) WTA(1-7) 1-5/7-2/5-8/3-1/7/7/6-7-8: Pick 6 (2-7) 7-2/5-8/3-1/7/7/6-7-8: Pick 5(3-7) 5-8/3-1/7/7/6-7-8: Pick 4 (4-7) 3-1/7/7/6-7-8.





Comments