top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ENERO 11, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 11, 2019 (Biyernes) Huwag mong sayangin ang ka­ka­ibang talino mo para ba­guhin ang mundo. Ga­mitin mo ito para sa iyong sarili hanggang sa yuma­man ka nang husto.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwedeng gu­manda at uma­ngat ang iyong buhay basta maniwala ka sa kasabihang, hangga’t may buhay, may pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-23-29-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang kuwenta ang buhay na wa­lang inilalaban. Lagyan mo ng adbokasiya ang buhay mo at magugulat ka na rito pala sa mundo, ang pagkakaroon ng ga­nito ay magbibigay ng kakaibang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-18-24-28-33-38-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Bawasan mo ang sobra. Ang nabubuhay sa katamtaman ay hindi na­nganganib sa karamda­man at ang nakatutuwa rito, sila ay tahimik at wa­lang kina­­iinggitan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-22-25-32.

CANCER (June 21- July 22) - Kumukuha ng lakas ang lahat ng may buhay sa pamamahinga. Napansin mo ba na parang namahinga ang suwerte mo? Ibig sabihin, sa pag­ba­balik nito, mas malakas ang puwersang ibibigay niya sa buhay mo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-27-31-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­pag nagsama-sama ang ma­liliit, sila ay lu­malakas. Kapag pinagsa­ma-sama ang maliliit na puhunan, puwede mo itong gamitin sa malaking pag­kaka­kitaan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-28-34-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap pa­niwalaan na ang sakit ng kalooban na dinaranas ng iba ay nararamdaman din ng kapwa niya. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-11-17-20-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapalitan ng mga ba­gong usbong ang nalagas na mga da­hon. Huwag mong gaanong damdamin ang nasayang mong mga panahon. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-5-15-23-30-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, ang ba­wat tsinelas ay may kasukat na paa, kaya hindi totoong wala kang katapat! Ayon sa ka­pala­ran mo, malapit mo nang makaharap ang talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-27-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng mag­tagal sa iyong kalagayan na labag sa iyong paninindigan. Bago ka magkasakit, lakasan mo ang iyong kalooban! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-24-27-39-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim mong nariri­nig ang awit ng iyong sariling panahon kung saan ang nakaraan ay dapat mo nang kalimu­tan at ang paghandaan mo ay ang iyong magandang kina­bu­kasan. Masuwer­teng ku­lay-brown. Tips sa lotto-5-11-18-25-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamit ang iyong kakaibang pakiramdam, kaya mong sukatin ang kakayahan ng gustong pumasok sa iyong buhay. Sa ganito, makaiiwas ka sa taong gusto kang isahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-26-39-44-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - SHuwag mong pansinin ang mga kontra­bida sa buhay mo. Wala silang alam kundi kontra­hin ang mga gustong uma­senso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-20-22-26-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page