Ex-convict tepok sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Jan 11, 2019
- 1 min read
OCCIDENTAL MINDORO—Isang ex-convict na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Roque, San Jose sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jose Catalan, residente ng naturang bayan.
Nabatid na kalalaya lang ni Catalan sa kulungan dahil sa kasong pagbebenta ng droga, pero bumalik ulit ito sa pagiging drug pusher at nang darakpin ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments