Estudyante tiklo sa shabu
Pabs Hernandez III
Jan 11, 2019
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang estudyante ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Sto. Niño sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Sean Morado, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Morado na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments