Engineer nilikida ng gunman
MAGUINDANAO—Isang engineer ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin sa loob ng pampasaherong van, kamakalawa sa Bgy. Tunggol, Datu Montawal sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Engr. Mustapha Abdullah, empleyado ng Pagalungan Municipal Hall sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakasakay sa pampasaherong van si Abdullah ay bigla itong binaril ng suspek na pasahero rin ng naturang sasakyan.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments