BLIND ITEM
BLIND ITEM:
NOONG kasagsagan ng tsismis sa kanila ng sikat na young actress/TV host, hindi umamin ang matangkad at guwapong aktor. Takot siyang ma-bash ng mga fans ng sikat na young actress. Palihim ang kanilang pagkikita at todo-deny na may namumuo na silang magandang pagtitinginan.
Pero, ang kanilang malalapit na kaibigan ang nakakahalata at nakakaramdam na may ‘something special’ na sa dalawa. May mutual understanding o agreement na ang matangkad na aktor at sikat na young actress, at never nilang aaminin ito sa lahat.
Pero, nahalata at na-realize rin ng matangkad na aktor na walang pupuntahan ang pagiging close niya sa sikat na young actress. Marami rin kasi ang kontra sa ginawa niyang panliligaw.
At higit sa lahat, hindi niya rin masakyan ang tunay na ugali ng sikat na young actress. May pagka-weird at pabagu-bago raw ng mood. Minsan sweet, minsan may sariling mundo!
Kaya bago pa mahulog nang husto sa walang katiyakang relasyon, kusa nang lumayo sa sikat na young actress ang guwapo at matangkad na aktor-TV host.





Comments