top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga adik sa Facebook, IG, Viber, Twitter etc...SOCIAL MEDIA, SANHI NG DEPRESYON AT KALUNGKUTAN!

  • Hiraya
  • Jan 10, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang naniniwala na ang paggamit ng social media ay isa sa mga paraan para mabawasan ang ating stress at ka­lung­kutan. Pero, knows ba ninyo na ayon sa mga eks­perto, ang paggamit ng social media ay na­kaaapekto sa ating mental health? Hala!

Isang pag-aaral sa Uni­versity of Pennsylvania ang nagsagawa ng eksperimento para malaman kung nakaa­apekto sa mental illness ang paggamit ng social media.

Upang maisagawa ang pag-aaral, 143 volunteers ang kinuhanan ng screen­shot ng kanilang phone bat­tery screens sa loob ng isang ling­go para makita ng mga researcher kung gaano kada­las gumamit ng social media apps ang mga kalahok.

Limitahan ang mga ka­la­hok na i-maintain ang ka­nilang social media behavior o limitahan ang paggamit ng mga social media apps sa loob ng sampung minuto kada araw.

Maliban sa screenshots, sinuri rin ng mga researcher kung nakaranas ng anxiety, depression at loneliness ang mga kalahok.

Ayon kay Dr. Melissa Hunt, psychologist, nabawa­san ang depression at loneli­ness ng mga kalahok nang binawasan din ng mga ito ang paggamit ng social me­dia apps.

Gayunman, ang resul­tang ito ay nakita sa mga ka­lahok na depressed bago pa tuluyang gawin ang nasa­bing pag-aaral.

Ayon sa mga researcher, karamihan sa gumagamit ng social media ay nagpa­pakita ng positibo, maganda at nakaiinggit na lifestyle sa social media, ngunit, ang ne­gatibong epekto nito sa mga nakakikita ng post ay maa­aring maging dahilan para hindi ma-appreciate ng in­dibidwal ang mga bagay na mayroon siya.

Sa ganitong paraan, la­long tumataas ang tsansa na makaranas ng mental illness ang bawat indibidwal.

Bagama’t, may disad­vantage ang paggamit ng social media apps, inirere­komenda ng mga eksperto na gamitin lamang ang mga ito para manatiling connec­ted sa mga taong malalapit sa atin, gayundin, ang pa­alala nila, huwag masya­dong magpokus sa mga click­bait sa social media, bagkus, maglaan ng oras sa mga bagay na magdudulot ng mabuti sa inyong buhay.

Kaya mga beshy, huwag muna tayong magpokus sa ‘digital world’ at bigyang-pansin natin ang mga maka­buluhang bagay nang sa gayun ay maging mabuti tayong indibidwal.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page