Rosas Ni: Klarence Pacer
- BULGAR

- Jan 10, 2019
- 1 min read

Ito ang pinakapaborito kong bulaklak, kaakit-akit,
nakabibighani, kagila-gilalas at natatangi.
Ngunit, mapanganib, mabangis, matapang
at walang inuurungan.
Maihahalintulad ko ito sa isang magandang babae, para silang
mga rosas na talagang mapapa-wow ka!
Kahit sinong lalaki mabibighani talaga, pero kapag nakilala mo ito nang mas malalim.
Mayroon itong itinatagong sandata na katakut-takot.
Kaya kang patumbahin, pati ang puso at damdamin hindi niya sasantuhin.
Masusugatan ka at magdurugo ‘yan. Kaya paano ba natin ito maiiwasan?
Simple lang, pangalagaan ang mga babae, mahalin natin sila, bigyang-pansin at irespeto tulad ng rosas.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments