Rider todas sa tricycle
- Pabs Hernandez III
- Jan 10, 2019
- 1 min read
PANGASINAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa tricycle, kamakalawa sa national highway ng bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Romnick Romano, samantalang, ang driver ng tricycle ay si Michael Castro, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Romano kaya bumangga ito sa ipinapasadang tricycle ni Castro.
Namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Romano, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Castro.





Comments